GP Online Magazine

Buhay Pag-ibig ng mga Perfectoans

Program Area ng Freshmen Assembly; Picture from: Zhaina Lagmay
Para sa araw ng mga puso, padadaig ba ang Perfectoans? Hindi! dahil kaya rin ng mga Perfectoans ang magsaya sa araw ng mga puso. Oo! puso, hindi patay, ampalaya o kung ano ano pa. Tila binalot ng makukulay at magagarbong palamuti at mga booths ang buong GPHS lalo na ng pag-unawa, pagsasamahan, pagkakaibigan at pagmamahalan ng bawat isa.

Grade 7 Teachers at their best, Freshmen Assembly Program; Picture from: Ms. Calutan
Papakabog ba ang Grade 7?! Hindi rin! at ito bonggang bongga na program para sa mga Grade 7 teachers na inihandog ng Freshmen Assembly sa ilalim ng paggabay ni Ms. Jonelyn Calutan, Freshmen Assembly Adviser. Kasama rin si Mrs. Zoraida Mostacho, TLE-Vocational Dept. Head Teacher and Grade 7 Curriculum Chairman.

Grade 7 students at parte ng Freshmen Assembly mula sa 7-1; Picture from: Loise Lajom

Grade 7 sila pero hindi ibig sabihin ay matatanda na sila. Nandito at nag-eenjoy at fresh na fresh ang mga MAMA! ng Grade 7! kung saan idinaos ang programa para sa mga Grade 7 Teachers.

Gifts received by Ms. Jhei Solayao; Picture from: Ms. Solayao 
Kamsta naman ang iba pa nating mga guro? tignan natin sila. Nandito sa itaas ang mga regalong natanggap ni Bb. Solayao ng English Department. May pag-Jollibee pa daw.

Mrs. Salcedo, AP Department at RCY/GSP Photo Booth; Picture from: Mrs. Salcedo
Fresh na Fresh naman si Mrs. Salcedo ng AP Department sa kanyang picture sa dinagsa na Photo Booth ng Red Cross Youth at Girl Scouts of the Philippines ng GPHS.

Flower made from beads; Picture from: Ms. Manaloto
May Pag-edit pa at tunay namang nakatulong upang pagandahin pa ang picture na ito na kuha ni Ms. Manaloto ng TLE-HE Department na kanyang natanggap.


Flowers from Ma'am Cahanding's Husband; Picture from: Mrs. Cahanding
Gifts from Mrs. Cahanding's Students; Picture from: Mrs. Cahanding
Mukang damang dama naman ni Mrs. Cahanding ng Science Department ang araw ng mga puso dahil sa dami ng natanggap na regalo at bulaklak mula sa mga mag-aaral. Hindi lamang sa pagmamahal ng kanyang mga estudyante napuno ang damdamin at araw ni ma'am, kundi pati narin ang umaapaw at bumubulwak na pagmamahal ng kanyang butihing asawa na todo naman sa effort sir! Magtatagal pa talaga sila ma'am, so wala paring forever pero may tinatawag naman na "LIFETIME!" yan sure yan ma'am and sir (asawa ni ma'am).

Ms. Manaloto's Valentine's Day; Picture from Ms. Manaloto
Bukod sa bulaklak ay nandito pa ang "Valentine's Day" ni Ms. Manaloto ng HE Department kasama naman ang kanyang mga pinakamamahal na mag-aaral. Kasama pa rito ang sarili sa kanilang ginawang photo booth sa tulong ng mga mag-aaral.

BFF Forever and Ever!; Picture from: Paula Macapagal
At sinong may sabing para sa may mga girlfriend at boyfriend lang ang araw ng mga puso? may puso rin naman ang mga Perfectoans lalo pa para sa mga magkakaibigan. BFFE kung baga, Best Friend Forever and Ever! Ang litrato sa taas ay kuya mula sa HE Department Photo Booth.

TEAM ONE HEART! ~ Freshmen Assembly With their assembly and homeroom Adviser Ms. Calutan: Picture from Ms. Calutan
Ayan! ang team one heart ng Grade 7. Ang mga punong abala para sa naisagawang program para sa kanilang mga guro. Hindi lamang sa magkakaibigan o may kasintahan ang araw na ito, para din sa isang pamilya sa loob ng paaralan. Kasama dito ang kanilang number one fan, supportive adviser at ang pinaka-kabogera pagdating sa mga activities of all time Ms. Calutan.

MC BABIES! ng 9-1; Picture from: Ina Cassandra Morales (Patatas)
Kung sa tingin ninyo ay mga sawi lang ang pumupunta ng Mcdo, pwes nandito na ang MC BABIES ng 9-1! hindi sila team sawi pero single and contended, maliban lang yan sa iilan sa kanila. Talagang kinabog ng isa ang humiga sa sahig pero kahit na ganoon wow parin. Para din sa all-girl group ang araw ng mga puso, kahit pa mayroon sa kanila ang taken na. Love love love parin para sa grupo nila.

Jolly Babies; Picture from: John Francis Zulueta
Mukang hindi lang Mc Babies ang papakabog, nandito rin ang Jolly Babies! from Jolly-Jolly-Jollibee! mukang KFC nalang kulang pero kahit na ganoon at mukang isa sa bawat grupo ay mag-ON na at ung isa pang pares ay mukang lumalaki ang tyansa nananitili parin ang pagmamahal sa kaibigan. Kahit pa puro kalalakihan ang mga nasa litrato at kahit pa ganoon ka-girly ng photo booth ay ayan! todo parin sa pag-pose at mukang may tatalo na sa mga boy band sa buong mundo. :) 

Voltes 9; Pictur efrom: Jaspher Claisse Lacson
Mukang binigay na ng Voltes 9 ang lahat ah, kabog na kabog at kung pagandahan lang din, mukang matitigil na ang lahat ng international pageants. Nandito ang Voltes 9 at wapak! pose kung pose! Kahit pa may mga tampuhan at di pagkakaunawaan, nananatili parin ang init ng pagkakaibigan.

Jaspher Claisse Lacson

PAANO NAMAN ANG MGA SINGLE?

Paano kaya ang mga single sa araw ng mga puso? Wag mo ng itanong pagkat may mga Perfectoans parin na SINGLE, HAPPY and CONTENDED sa buhay nila, ung pumasa at mga graduate at magkahanap buhay kasama an pamilya at barkada ay ok na. Si Jaspher nga pala ang Teady Bear SLASH Baymax ng 9-1.

Xenon Lakandula
So ano naman ngayon kung single? basta kuntento sa buhay at natutuo na sa mga nakaraan. Xenon nga pala, BSP SLASH Manghaharana ng GPHS mula parin sa BSP. 

Rhoann Gutierrez 
At mauna na ang mauuna sa photo booth, ora mismo pagkatapos magawa ay ayan picture na kagad si Rhoann ng 8-2. Kahit na madami ang pinagdadaan, nananatiling matatag at masaya sa buhay ang mga Perfectoans.

Morella Lopez
Umibig, nag-effort, nag-isip, huminto, nasaktan, nag-move on at nakuntento sa buhay bilang single. Morella Lopez ng 9-2 nga pala, #Single.

Cyrus Rocabo
Sinong may sabi na taken lang ang pwedeng magsaya sa araw ng mga puso? Cyrus nga pala ng 9-2, Mukang kakabugin pa ng mama nyo ang photo booth na ito, pero kahit ganun pa man, masaya ang makuntento sa buhay pag-ibig.

Gifts received by Rominda Galveaz: Photo from: Rominda
Ang saya, buti pa sila may gifts at mukang mamimigay lang kapag absent kamu huhuh hahaha pero masaya naman kasi talaga ang araw ng mga puso, kahit sa simpleng paraan mapapasaya ka na.

Gifts Received by Beverlyn Castillo; Picture from Beverlyn
At sa palagay ko siya na ang may pinakamaraming natanggap na regalo para sa araw na ito sa lahat ng mga mag-aaral ng GPHS. Ang daming flowers nyan at gifts, siguro 80% nyan galing lang sa iisang tao na sobra naman ang halaga niya. Galing din ang iba sa kanyang mga pinakamalalapit na kaibigan sa Mc Babies.

At natunghayan nga natin kung ano ba ang mga naramdaman, reaksyon at gawain ng iba't ibang mag-aaral ng GPHS.




LOVE IS IN THE AIR!

Photo booth ng Red Cross Youth at Girl Scouts of the Philippines ng GPHS
Photo from: Jerwin Cuna


Nagsisimula nang maramdaman ng GPHS ang araw ng pag-ibig ngayon Pebrero 10, 2017 palamang. Iba't-ibang mga guro at mag-aaral na ang nakakuha ng kanilang mga litrato gamit lamang ang kanilang mga cellphones sa mga itinayong photo booth na sponsor ng iba't-ibang departamento at organisasyon sa paaralan. Makikita ang photo booth na ito sa harapan ng opisina ng mga Head at ng Principal.



Jerwin Cuna, 10-2 sa GSP at RCY Photo Booth
Photo from: Jerwin Cuna

Hindi lamang ang Girl Scouts of the Philippines (GSP) at Red Cross Youth (RCY) ang nagtayo ng kanilang photo booth, nandito rin ang Home Economics Department sa ilalim ng pamumuno ng OIC-TLE-HE na si Gng. Cecilia Furaque. Matatagpuan ito sa kanilang canteen sa tabi ng opisina ng Principal.



Lorie Ann Santos ng 9-2 sa HE Photo Booth
Photo from Rona Enriquez

At hindi na nahintay pa ng ilan sa mga mag-aaral ng GPHS ang araw ng mga puso at matapos ang pagkakagawa ng mga photo booth tulad nalamang ng nasa HE Department ay kumuha na kagad ng kani-kanilang mga litrato. Inaasahan ang ilan pang mga mag-aaral na kukuha rin ng sarili nilang mga litrato.



Rona Enriqiez ng 10-1 sa HE Photo Booth
Photo from: Rona Enriquez

Mrs. Santiago at Mrs. Romero ng Science Department sa HE Photo Booth
Photo from: Mrs. Elizabeth A. Romero, Science Department

Tila hindi lang ang mga mag-aaral ang hindi na nakahintay ng araw ng mga puso sa Miyerkules kundi pati narin ang ating mga guro. Nandito ang dalawa sa mga guro ng Science Department na sina Mrs. Santiago at Mrs. Romero sa Photo booth ng HE Department. Makikita natin ang kanilang pagkasaya sa napakaganda at pinaghandaang mga photo booth.


Mr. Don Don D. Tominis ng MAPEH Department, photo booth mula sa Tondo High School
Photo from: Mr. Don Don D. Tominis


Mukang hindi lamang umiiral ang atmosphere ng pag-ibig sa ating paaralan kundi dala dala rin ng ilan sa ating mga guro. Nandito si Mr. Don Don D. Tominis ng MAPEH Department, Boy Scout of the Philippines GPHS Adviser kuha mula sa photo booth ng Tondo High School.



Love Letter Templates ng Boy Scouts of the Philippines
Photo from: Mr. Don Don D. Tominis


Naghahanda narin ang Boy Scouts of the Philippines (BSP) ng GPHS kaalinsabay ang GSP at RCY ng ating paaralan. Ang BSP ang magiging Love Messengers and Singers. Kukunin nila ang ating mga love letters at song reqests mula sa February 12-13, 2017 at kanila itong dadalhin sa taong inyong pinaghahandugan. Kung may mga song requests, kakantahan nila tayo ng kantang ating ini-request. Mangyayari ito sa February 14 tuwing vacant period.


At mukang hindi lamang sa photo booth nasusukat ito, Si Morella Lopez ng 9-2. Wala sa pader kundi nasa sahig. Makikita na hindi lamang dinadama ang araw ng mga puso para sa buong paaralan kundi para narin sa kanilang mga kaklase at mga tagapayo.

Morella Lopez, 9-2
Photo from: Morella Lopez

Mukang hindi pa dito magtatapos ang selebrasyon pagkat may inihanda ring mga programa at aktibidad ang iba pang mga organizations, assemblies at homerooms upang gunitain ng masigla at buong puso ang araw ng mga puso sa darating na Miyerkules ngunit sa kabila nito nananatili parin sa iilan ang salitang "walang poreber" ng ilang mga mag-aaral ng GPHS.

para sa mga update at balita sa mga nanagyayari sa GP, subaybayan lamang ang blog na ito lalo pa sa oras na 7:00-10:00 PM na siguradong may panibagong post/balita na inyong mababasa.

~GP Online Mag~

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento