(Pagkakasunod-sunod mula sa kanan) Carlo Jay Manalo, Bea Sophia Caratay at Roi John D. Belmonte
3 GP Representatives as Media Literate
Tatlong Perfectoans ang naging kinatawan ng Gregorio Perfecto High School (GPHS) sa Media Literacy Training ng National Council for Children's Television (NCCT) sa kanilang programang Rights. Camera. Action! (RCA). Sila ay sina Carlo Jay J. Manalo, Secretary to the Mayor, Batch Siklab ng Boys and Girls Week 2016-2017 at Grade 9 Representative ng Supreme Student Government, Si Roi John D. Belmonte and Journalism Encoder at Feature writer ng The GP News at si Bea Sophia T. Caratay na Editorial writer sa parehong dyaryo.Ito ay ginanap sa ikatlong palapag sa Alonzo Hall ng Manila Science High School (Masci, MSHS) sa may Taft, Manila mula February 6 hanggang February 8, 2017.
Dinaluhan ito ng iba't iba pang mga mag-aaral mula sa iba't ibang paaralan sa Maynila. Dumalo rin ang mga school paper advisers at student council advisers. Nandito rin ang Supervisor-In-Charge ng Journalism. Pinangunahan ang programa ng Executive Director ng NCCT at iba pa nitong kasapi.
Inilatag ng iba't ibang speakers ang kanilang mga leksyon ng buo. Nanatili naman and Cinematographer, scriptwriter, editor at award winning Director local and international na si Mr. Rommel Tolentino at ginabayan ang mga mag-aaral mula sa pagsulat ng script at pagbuo ng pelikula.
Natapos ito sa pamamagitan ng pagbibigay parangal sa iba't ibang likhang sining ng mga mag-aaral bilang Best Actor and Actress, Best group, Best Picture, Best Video at marami pang iba.
Binigyan ng National Level Certificate ang mga mag-aaral katibayan ng kanilang paglahok gayun din ang mga paaralang nakilahok sa programa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento