Paggawad sa GP bilang kalahok sa RCA ng NCCT
![]() |
(Pagkasunod-sunod mula sa kanan) Bea Sophia Caratay, 9-1, Mr. Rolando A. Ibayan, OIC-GPHS, Roi John Belmonte, 9-1 at Carlo Jay Manalo, 9-1 Picture from: Jaspher Claisse Lacson, 9-1 |
Ibinigay na sa ating paaralan ngayong February 9, 2017 ang sertipiko ng pagkikilahok (Certificate of participation) matapos ang tatlong araw (February 6-8, 2017) ng Rights. Camera. Action! (RCA) ng National Council for Children's Television (NCCT) sa Manila Science High School.
Iniabot at ipinagbigay alam ito kay Gng. Rolando A. Ibayan ang kasalukuyang Officer-In-Charge ng GPHS mga alas dose ng tanghali sa opisina ng paaralan matapos ang pagpirma niya sa mga parent's permit ng mga kalahok para sa City-wide Press Conference na gaganapin sa sabado sa Lakan Dula High School.
Ang sertipiko ay nasa pangangalaga ni Gng. Carmen Polecina, school paper adviser ng The GP News (English) at Tilamsik (Filipino).
Para sa mga update at balita sa mga nangyayari sa GP, subaybayan lamang ang blog na ito lalo pa sa oras na 7:00-10:00 PM na siguradong may panibagong post/balita na inyong mababasa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento