GMA News TV Investigative Documentaries bumalik sa ika-4 na pagkakataon
![]() |
Pagpapakita ng kasalukuyang lagay ng GPHS mula sa Investigative Documentaries |
Matatandaang unang sinilip ng ID ang GPHS noong September 2016 at sinabing maaaring matapos ito ng October ng kaparehong taon. Bumalis sila noong October 2016 at hindi parin tapos ang ating paaralan. Sinabing nadagdagan lamang ito ng dalawang palapag. Sinabi muling sa December 2016 na ito matatapos.
Dumating sila ulit noong Disyembre at muli hindi parin ito tapos bagkus ay naayos lamang ang mga pader nito at nakabitan ng mga bintana at pintuan.
Ngayong Pebrero ng 2017 ay muli silang bumalik sa ginagawang gusali at nakitang isang palapag lamang ulit ang nadagdag dito. Sinasabi na sa Abril 2017.
![]() |
Isa sa mga nagta-trabaho sa Department of Public Works and Highways ng Maynila |
Sinabi ring 300 Million Pesos ang ginamit ng pamahalaan upang mapagawa ito. Ayon sa nasa larawan, hindi raw kaagad nakarating ang ilang mga materyales kaya bumagal ang paggawa.
Sinabi rin na nahinto ang paggawa nito sa unang taon dahil sa malambot na lupang nakita sa ilalim ng itatayong gusali. Nahinto rin ito noong December 2016 dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan.
Hindi lamang ito ang kanilang binalikan kundi pati narin ang iba't ibang programa ng DPWH sa buong Maynila.
Para sa mga update at balita sa mga nangyayari sa GP, subaybayan lamang ang blog na ito lalo pa sa oras na 7:00-10:00 PM na siguradong may panibagong post/balita na inyong mababasa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento