Sabado, Pebrero 11, 2017

GPHS Pangsampu sa Buong Maynila

Ang Sampung Pinakamahuhusay na President ng Supreme Student Government ng Maynila
Photo from: Shamyre Mae Dela Cruz 
Pinarangalan na kahapon, February 11, 2017 ang sampung pinakamahuhusay na Supreme Student Government Presidents sa Maynila.

Naganap ang panayam sa kanila (nasa litrato) noon February 3, 2017 upang sila'y maiayos mula sa una hanggang sa ika-sampung pwesto.

Ika-sampung pwesto ang ating SSG President na si Cecil Jannie Basco, Girl Councilor District 1 Batch Siklab Boys and Girls Week 2016-2017. 

Ang atin namang SSG Adviser ay walang iba kundi si Mrs. Julie E. Florendo at ang ating Social Studies Department Head Teacher na si Mrs. Carolina P. Isaac

Nandito ang listahan ng Top 10 Most Outstanding SSG Presidents 2016-2017 out of 33 Schools

Rank 1- Quirino High School (District 6)
Rank 2- Carlos P. Garcia  High School (District 6)
Rank 3- T. Alonzo  High School (District 3)
Rank 4- Villamor  High School (District 5)
Rank 5- Tondo  High School (District 1)
Rank 6- Calderon  High School (District 2)
Rank 7- Jose P. Laurel  High School (District 2)
Rank 8- Manila Science  High School (District 5)
Rank 9- Maceda  High School (District 4)
Rank 10- Gregorio Perfecto High School (District 1)

Pagbati mula sa lahat ng Perfectoans sa iyo Cecil Jannie Basco, GPHS SSG President 2016-2017 para sa iyong kahusayan.

Dahil sa nalalapit nanaman ang eleksyon ng Supreme Student Government, sa mga tatakbo bilang pangulo, at kung sino man ang manalo, pagbutihin at paghusayan nang sa gayon ang mga nasimulan nila mula sa Ika-10 ay umabot sa Unang Karangalan.

Subaybayan lamang ang blog na ito para sa mga bagong balita tungkol sa ating paaralan.

CALLING FOR THE ATTENTION 

OF ALL MUSICALLY INCLINED Perfectoans


Santo Nino de Tondo Parish Church
Tinatawagan po namin ang ilan sa mga nagnanais, may pasyon sa musika o kahit sa pagkanta. Nais matuto at maging bahagi ng isa sa mga choir group ng ating simbahan.

Kung sino man po ang may gusto at nagnanais na maging bahagi nito, ipagbigay alam po kay https://www.facebook.com/profile.php?id=100008518548412 Carlo Jay J. Manalo, Choirmaster ng GPHS Choir and Bass singer. 

Ang iba pang detalye ay maaari ninyong makuha sa pamamagitan ng Facebook, nandito ang link ng kanyang FB account.

Subaybayan lamang ang blog na ito upang makakuha ng mga bagong post/balita tungkol sa ating paaralan.

CALLING FOR THE ATTENTION OF GRADE 7, 8 and 9 Students

Tinatawagan po ng AP Department ang lahat ng mga Grade 9 Students na nagnanais tumakbo sa kahit anong position ng Supreme Student Government ng ating paaralan.

Mainam lamang po na ipagbigay alam po ito sa inyong mga AP Teachers nang sa gayon ay malaman kagad ito ng mga kinauukulan.

Tulad nang dati, pagkatapos dumaan sa screening process ang lahat ng mga nais tumkbo at mailabas ang opisyal na listahan ng mga kandidato. 

Maaari na kayong bumuo ng inyong partylist. Kalimitang ito'y nasa paraang acronym, halimbawa, SWAG Partylist na ang ibigsabihin ay Students With Aspiring Goals. Dapat ay naglalarawan ito sa kung ano ang nais ninyong isulong kung papalaring manalo.

Subaybayan lamang ang blog na ito para sa mga bagong update tungkol sa ating paaralan.

GPHS Umariba sa Paghakot ng mga Karangalan


Mga nagwagi sa paligsahan (sunod-sunod mula sa kanan) Bea Sophia Caratay,
 Miguel Sardalla, Mrs. Carmen Polecina, Roi John Belmonte at Carlo Jay Manalo
Naguwi ng mga karangalan ang ating mga mag-aaral sa taunang Division Schools Press Conference na ginanap sa Lakan Dula High School ngayong Ika-11 ng Pebrero 2017 sa gabay ni Gng. Carmen Polecina, School Paper Adviser ng The GP News at Tilamsik at President ng asosasyon ng mga journalism teachers at school paper advisers ng Maynila.

Naiuwi nina Carlo Jay Manalo, 8th Place sa Sports Writting , Roi John Belmonte, 4th Place sa Feature Writting , Miguel Sardalla, 4th Place sa News Writting, Cedrick Fernandez, 10th Place sa Photojournalism (Filipino), Bea Sophia Caratay, 4th Place sa Copyreading and Headline Writting at si Jaspher Claisse Lacson, 5th Place sa Kartuning.

Nandito ang ilan sa mga litrato ng mga nagsipagwagi.


Roi John Belmonte, 4th Placein Feature Writting kasama ang kanilang judge,
isa sa mga school paper advisers at si Gng. Polecina


Bea Sophia Caratay, 4th Place Copyreading and Headline Writting
kasama ang isa sa mga paper advisers at si Gng. Polecina


Miguel Sardalla, 4th Place News Writting kasama
ang isa sa mga school paper advisers at si Gng. Polecina

Subaybayan lamang ang blog na ito upang makakuha ng mga bagong updates tungkol sa mga kaganapan sa ating paaralan.

Huwebes, Pebrero 9, 2017

GMA News TV Investigative Documentaries bumalik sa ika-4 na pagkakataon

Pagpapakita ng kasalukuyang lagay ng GPHS mula sa Investigative Documentaries  
Muling bumalik ang Investigative Documentaries (ID) ng GMA News TV kasama si Malou Mangahas, isa sa mga reporter, sa Ika-4 na pagkakataon. 

Matatandaang unang sinilip ng ID ang GPHS noong September 2016 at sinabing maaaring matapos ito ng October ng kaparehong taon. Bumalis sila noong October 2016 at hindi parin tapos ang ating paaralan. Sinabing nadagdagan lamang ito ng dalawang palapag. Sinabi muling sa December 2016 na ito matatapos.

Dumating sila ulit noong Disyembre at muli hindi parin ito tapos bagkus ay naayos lamang ang mga pader nito at nakabitan ng mga bintana at pintuan. 



Ngayong Pebrero ng 2017 ay muli silang bumalik sa ginagawang gusali at nakitang isang palapag lamang ulit ang nadagdag dito. Sinasabi na sa Abril 2017.


Isa sa mga nagta-trabaho sa Department of Public Works and Highways ng Maynila

Sinabi ring 300 Million Pesos ang ginamit ng pamahalaan upang mapagawa ito. Ayon sa nasa larawan, hindi raw kaagad nakarating ang ilang mga materyales kaya bumagal ang paggawa.

Sinabi rin na nahinto ang paggawa nito sa unang taon dahil sa malambot na lupang nakita sa ilalim ng itatayong gusali. Nahinto rin ito noong December 2016 dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan.

Hindi lamang ito ang kanilang binalikan kundi pati narin ang iba't ibang programa ng DPWH sa buong Maynila.

Para sa mga update at balita sa mga nangyayari sa GP, subaybayan lamang ang blog na ito lalo pa sa oras na 7:00-10:00 PM na siguradong may panibagong post/balita na inyong mababasa.

Paggawad sa GP bilang kalahok sa RCA ng NCCT

(Pagkasunod-sunod mula sa kanan) Bea Sophia Caratay, 9-1,
Mr. Rolando A. Ibayan, OIC-GPHS, Roi John Belmonte, 9-1 at Carlo Jay Manalo, 9-1
Picture from: Jaspher Claisse Lacson, 9-1
Ibinigay na sa ating paaralan ngayong February 9, 2017 ang sertipiko ng pagkikilahok (Certificate of participation) matapos ang tatlong araw (February 6-8, 2017) ng Rights. Camera. Action! (RCA) ng National Council for Children's Television (NCCT) sa Manila Science High School.

Iniabot at ipinagbigay alam ito kay Gng. Rolando A. Ibayan ang kasalukuyang Officer-In-Charge ng GPHS mga alas dose ng tanghali sa opisina ng paaralan matapos ang pagpirma niya sa mga parent's permit ng mga kalahok para sa City-wide Press Conference na gaganapin sa sabado sa Lakan Dula High School.

Ang sertipiko ay nasa pangangalaga ni Gng. Carmen Polecina, school paper adviser ng The GP News (English) at Tilamsik (Filipino).

Para sa mga update at balita sa mga nangyayari sa GP, subaybayan lamang ang blog na ito lalo pa sa oras na 7:00-10:00 PM na siguradong may panibagong post/balita na inyong mababasa.

Ang GPHS Sa Kasalukuyan

Soon to be Canteen, stage in front and laboratory on the right


Muli ay bumisita ang ilan sa mga mag-aaral ng 9-1 SY. 2016-2017 sa ginagawang mga gusali ng Gregorio Perfecto. Sa kasalukuyan ay makinis na at may pintuan at mga bintana na ang una at ikalawang palapag habang patuloy na ginagawa at itinatayo ang ikatlong palapag ng gusali.



Left side of the building going to the library and the staircase to the second floor

Ayon kay Mr. Edwin Santos, Administrative Officer ng GPHS, ang Grade 10 ng susunod na taon ay sigurado ng magtatapos sa bagong gusali ng paaralan. Sinusubukan parin nila na matapos ito bago dumating ang hunyo. Idinugtong pa niya na dito na sana sa bagong gusali magdiwang ng Ika-59 na taon ng GP sa November 28, 2017.



Front side of the school featuring classrooms on second floor, the gate and the different offices


Batay naman sa sinabi ni Mr. Rolando A. Ibayan, ang kasalukuyang Officer-In-Charge sa ating paaralan, sa kanyang palagay ay makakalipat ang mga guro at mag-aaral sa bagong gusali sa huling semester ng SY. 2017-2018 (November 2017- March 2018).

Sinabi rin ni Mr. Santos na muli ay may dadating na mga tagapagbalita mula sa GMA 7 upang ilathala (ipakita) muli ang kalagayan ng ating paaralan. 



The right side of the building (Old T.L.E.- Vocational rooms)

Sinusubukan parin ng paaralan na matapos ang gusali na nahinto sa operasyon noong nakaraang taon dahil sa malambot na lupa na tatayuan ng gusali. Inuna muna itong ayusin nang sa gayon ay masiguro ang tibay nito.

Batay ulit kay Gng. Santos may mga bagong set ng computers na nasa opisina nito sa Ricafort at hindi pa kasama rito ang mga dati ng computer.

Asahan rin ang photo booth back drop na ipinagawa ni Sir. Edwin para sa Valentine's Day sa February 14 sa Hizon Elementary School at sa Tondo Sports Complex sa March 6 (napagdesisyunan na araw ngunit hindi pa final) para sa Junior Promenade ng GPHS (balita mula kay Gng. Lopez ng MAPEH Department)


Soon to be Computer Room

Para sa mga update at balita sa mga nangyayari sa GP, subaybayan lamang ang blog na ito lalo pa sa oras na 7:00-10:00 PM na siguradong may panibagong post/balita na inyong mababasa.


Miyerkules, Pebrero 8, 2017

(Pagkakasunod-sunod mula sa kanan) Carlo Jay Manalo, Bea Sophia Caratay at Roi John D. Belmonte

3 GP Representatives as Media Literate 

Tatlong Perfectoans ang naging kinatawan ng Gregorio Perfecto High School (GPHS) sa Media Literacy Training ng National Council for Children's Television (NCCT) sa kanilang programang Rights. Camera. Action! (RCA). Sila ay sina Carlo Jay J. Manalo, Secretary to the Mayor, Batch Siklab ng Boys and Girls Week 2016-2017 at Grade 9 Representative ng Supreme Student Government, Si Roi John D. Belmonte and Journalism Encoder at Feature writer ng The GP News at si Bea Sophia T. Caratay na Editorial writer sa parehong dyaryo.

Ito ay ginanap sa ikatlong palapag sa Alonzo Hall ng Manila Science High School (Masci, MSHS) sa may Taft, Manila mula February 6 hanggang February 8, 2017.

Dinaluhan ito ng iba't iba pang mga mag-aaral mula sa iba't ibang paaralan sa Maynila. Dumalo rin ang mga school paper advisers at student council advisers. Nandito rin ang Supervisor-In-Charge ng Journalism. Pinangunahan ang programa ng Executive Director ng NCCT at iba pa nitong kasapi.

Inilatag ng iba't ibang speakers ang kanilang mga leksyon ng buo. Nanatili naman and Cinematographer, scriptwriter, editor at award winning Director local and international na si Mr. Rommel Tolentino at ginabayan ang mga mag-aaral mula sa pagsulat ng script at pagbuo ng pelikula.

Natapos ito sa pamamagitan ng pagbibigay parangal sa iba't ibang likhang sining ng mga mag-aaral bilang Best Actor and Actress, Best group, Best Picture, Best Video at marami pang iba.

Binigyan ng National Level Certificate ang mga mag-aaral katibayan ng kanilang paglahok gayun din ang mga paaralang nakilahok sa programa.